Biyernes, Marso 1, 2013
bayan ko:laban o bawi
May
mga kaibigan at kakilala akong nag-iisip nang mangibang-bayan. Hindi naman sila
mga Amboy na may mental colony, at ang ilan pa nga sa kanila ay magiting na
lumaban sa dalawang People Power Revolution sa Edsa. Pero nitong mga nakaraang
araw, seryosong pinag-aaralan ng mga kaibigan at kakilala kong ito ang
posibilidad na mag-immigrate sa Canada o Australia.
Kung baga, pagod na sila sa laban, bawi na ang gusto nila.
Hindi ko naman sila masisi. Ibon mang may layang lumipad, kapag matagal-tagal nang nakakalanghap ng makamandag na hangin dito sa ating bayang magiliw, ay makakaisip na talagang mag-alsa-balutan at mag-TNT.
At hindi sila nag-iisa, o nag-iisandaan, o nag-iisang milyon. Ayon sa pinakahuling survey ng Weather-Weather Station, 69 porsiyento ng ating mga kabataan--at siyento-porsiyento ng mga sidewalk vendor at ng mga presong nahatulan ng kamatayan--ay ayaw nang maging Pilipino. Mas gusto nilang maging Men in Black. O kaya'y X-Men. O kahit na Hobbit.
Ang 30 porsiyento naman, ayon pa rin sa nasabing survey, ay gustong sumapi sa Yaya Sisterhood. Mas malaki kasi ang kita sa pag-aalaga ng isang uhuging sanggol sa Hongkong kaysa pagtuturo ng 50 uhuging bata sa ilalim ng punong mangga sa Barangay Bagong Bakuna.
Gayunman, lumalabas sa survey na may isang porsiyentong nakalaan pa ring manatili sa ating lupang tinubuan. Ito'y binubuo ng mga sumusunod na sektor: pulitiko, kidnap-for-ransom gang, Abu Sayyaf, at
SWAP (Samahan ng mga Walang Atik at Pamasahe).
"Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas, sa kabila ng dalawang Edsa at isang Diosdado Macapagal Avenue," himutok ng mga nawalan na ng pag-asa.
Kabilang sa mga ibinigay na dahilan ng paglaganap ng kawalang-pag-asa ang sumusunod: di-masawatang krimen, di-kinokolektang basura, di-makontrol na polusyon, sobrang trapik, walang-tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at galunggong, kawalan ng hanapbuhay, paghihigpit sa mga pelikulang bold, at pagpapakasal ni Assunta kay Kongresista Jules.
Takang-taka ang mga kaibigan ko't kakilala kung bakit pinipili kong dito pa rin manirahan sa loob ng bayan nating sawi. Ang una nilang tanong ay: "Bakeeet?!" At ang ikalawa'y: "Is that your final answer?" "Do you sure?"
Ganito ang sagot ko sa kanila.
Sa ganang akin, mas masarap pa ring mabuhay sa Pilipinas dahil exciting ang buhay dito, hindi boring. Kung masyadong plantsado ang bawat araw at gabi mo, kung sukat na sukat ang bawat oras mo mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi ng bahay, mamamatay ka sa antok. Samantalang dito sa atin, makapigil-hininga at makabagbag-damdamin at puno ng misteryo ang bawat sandali, tulad sa telenovela.
Paglabas mo ng bahay, hindi ka nakatitiyak na walang aagaw sa cellphone mo. Pagtulog mo sa gabi, hindi ka nakatitiyak na walang magtatanggal sa side-view mirror ng kotse mo.
Kahit superbilyonaryo ka at marami kang security, tulad ni Kongresista Imee Marcos, puwede ka pa ring mabiktima ng akyat-bahay. At kahit superpobre ka at walang mananakaw sa bahay mo, tulad ng mga taga-Payatas, puwede namang mabagsakan ng bundok ng basura ang barungbarong mo.
Sa madaling salita, kung narito ka sa Pilipinas, para kang laging nakakapanood ng palabas sa circus. Marami kang makikitang naglalakad sa alambreng tinik, at kabilang sa makikita mo ay ang iyong sarili.
At saka, marami namang magagandang nangyayari sa ating bayan. Sa kabila ng kapalpakan at kasuwapangan ng maraming taong-gobyerno, mayroon namang gumagawa ng kabutihan. Halimbawa, sa Iloilo ay ipinagbawal na ng alkalde ang bikini car wash. Sa gayon, napangalagaan niya ang dangal, puri, at kalusugan ng kababaihan. Nawalan nga lang ng trabaho ang mga nakabikining kumikita noon ng P400 isang araw, pero hindi na sila sisipunin. Kung ipasiya nilang magputa na lang, baka mas malaki pa ang
kanilang kitain.
Salamat din sa pangangalaga sa moralidad na ginagawa ng mga taong-simbahan, hindi ka na makakabili ngayon ng condom sa 7-11 at iba pang convenience store. Posibleng lalong lumaganap ngayon ang AIDS sa Pilipinas, o kaya'y maraming mabubuntis na hindi puwedeng magpalaglag, pero kasalanan nila iyon.
Mahilig kasi silang manood ng Joyce Jimenez sa Pasay, e di, ayan, impiyerno sa lupa ang bagsak nila.
Kahit ano pa ang sabihin tungkol sa Pilipinas, grabe rin naman ang kalagayan sa ibang bansa.
Sa New York, halimbawa, kabubukas lang ng Museum of Sex. Diumano, mayroon itong layuning historikal at edukasyonal, at ipakikita nito ang "sexual landscape" sa pamamagitan ng ritrato, poster, painting, libro, at pelikula, na mangyari pa ay puro malaswa at mahalay sa paningin ni Cardinal Sin.
Alam ba ninyo ang implikasyon ng ganitong Museum of Sex? Lalo pang mapapariwara ang maraming kalalakihang Amerikano, na pagkatapos ay magsusundalo, at pagkatapos ay ipapadala sa Pilipinas para sa Balikatan, at pagkatapos ay magsisilang ng isa na namang henerasyon ng mga walang-tatay na tisoy at tisay, na pagkatapos ay kukuning artista ni Kuya Germs at sa kalaunan ay magiging bold star, na pagkatapos ay pupukaw sa makamundong pagnanasa ng mga manonood, na paglabas ng sinehan ay manggahasa ng unang babaeng makikita nila, na dahil walang condom ay magsisilang ng sanggol na
may AIDS, at pagkatapos...
Diyos na mahabagin! Wala na bang katapusan ang trahedya ng sambayanang Pilipino?
Teka muna, bawi na rin yata ako. May mapapasukan kaya ako sa Timbuktu?

Sipi mula sa “Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng bagong milenyo)
Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklatin ang aklat ng kaniyang kahapon.
At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na,
samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang Filipinas sa Loob ng Sandaang Taon -
Jose Rizal)
1 Sarap na sarap sa paghahapunan ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik ang
ulan at ang simoy ng amihan sa mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatid
ng nakapanghahalukipkip na lamig.
2 Sa liblib na baryong ito na lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis na pagbabago ng mundo, ang munggong sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo ay
langit nang masasabi.
3 “Heaven!”
4 Ganyan nga ang sinabi ng kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilya
de la Cruz at nakisalo ng munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindi
nakakatikim ng ganoong ulam.
5 Hindi iyon maunawaan nina Juan de la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nila
iyon. Pagkaing mahirap, wika nga. Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-lata
bilang kapalit sa munggo’t ampalaya.
6 Kaya’t sa tuwing ganito ang kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de la Cruz
sa alaalang ito.
7 Hagikgikan pa sila nang hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunan
sila. Hindi nila mapagtanto kung ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw sa
Super Tiangge Mall ng mga kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap at
bombilyang 10 watts lamang pero kayang ilawan ang isang malaking plasa.
8 Sapagkat, ni koryente o linya ng telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silang
koryente o linya ng telepono.
9 Nagkaroon kung sa nagkaroon ngunit pinutulan din ang buong baryo nang ang
karamihan dito ay hindi nakayanang magbayad.
10 Gapok at nakahilig na ang mga poste ng koryente; at ang mga kawad ay pinagkukuha
na nila para gawing sampayan o panali ng kung ano-ano.
11 Gayon ding nakatiwangwang na ang butas-butas na mga solar panel na ikinabit noong
bata pa si Juan. Donasyon iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang nakakaraan,
noong bago magpalit ang taon sa kalendaryo mula sa panimulang disinuwebe tungo sa
dalawampu.
12 Tulong daw iyon upang hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubuga ng
mga de-langis na plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sa
papawirin ay siyang nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ng
pagbabago ng klima at panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,
at kainitang pati silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
1. Ano ang kalagayan sa buhay ng pamilya ni Juan de la Cruz? Magbigay ng mga patunay.
2. Bakit kaya “heaven” para sa kabataang mountaineer ang ulam na ampalaya at tuyo, gayong
pangkaraniwan lamang ito sa pamilya de la Cruz?
3. Bakit naman sila tuwang-tuwa pagkabigay sa kanila ng mga de-latang pagkain ng mountaineer?
4. Batay sa mga impormasyong inilahad sa bahaging ito, ipaliwanag ang tagpuan ng kuwento –
saan at kailan ginanap ang istorya.13 Ngunit sa pagdalaw ng bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya
namang pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
14 Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong iyon ay sumasagi sa kaniya,
bilang isang gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mga
pagkain dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalang mga
signos ng katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng milenyo.
15 Tuyo na rin at tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal ay
makikita pa sa semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,
kinatawan, bokal, at pangulo. Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na
pahina na siya na ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon.
16 Kaya nga’t napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balita
tungkol sa mabilis na pagbabago sa lungsod at sa ibang sulok ng daigdig.
17 Gaya ng iba pang produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwenta
porsyento ang ibinaba ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon sa
umiiral na pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng
karaniwang mamamayan.
18 Sa radyo niya narinig ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sa pang-ekonomiyang
kalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kaniyang mga pananim. Kaya’t
tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya, pilit inuunawa ni Juan kung bakit
umuunlad naman ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad naman ang Maynila ay lalo
naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo.
19 Kalabaw pa rin ang gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo na
de-robot na ang pagsasaka sa ibang bansa.
20 Sinungaling marahil ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabi
ng radyo dahil madalas maubusan siya ng baterya.
21 Pero sa radyo din niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ng
bagong pangulo, isang child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit na
nakilala sa halos makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rape ng
kaniyang lolo, ama, at mga tiyuhin.
22 Pararatingin daw niya ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sa kaliblib-liblibang
sulok ng bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating child actress.
23 Kaya’t ganoon ngang umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba ang
kanilang magagawa kundi ang umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
24 Ni hindi nga siya sumapi sa mga rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang
nakikipaglaban ngunit hindi pa rin nagwawagi.
25 Sa ilang pagbisita sa kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan at
ipinapaliwanag kung bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,
diumano ay sanhi ng globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20
siglo. At kaya nakalusot ang bagong kaayusang ito ay dahil sa imperyalistang hangarin
ng Estados Unidos, sa pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sa
pangunguna ng mga panginoong maylupa at komprador-burgesya.
26 Kung anuman ang pinagsasabi sa kaniya ng mga taong labas ay hindi niya
maunawaan; na ‘yon din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos at
dating aktibista sa kaniyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyon
pa rin ang uri ng pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Filipino.
27 “Sapagkat hindi po nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” ang
mariing ratrat ng batang gerilya.
28 “Ipasa-Diyos na lang natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sa
kanilang baryo.
29 “Magbabago para sa kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor, na
anak ng dating meyor, na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor, na
anak ng…
30 “Putris naman.” Ito ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan tuwing nauungkat sa anumang
pagkakataon ang kaunlaran sa lungsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
31 Hanggang sa natutuhan na niya at ng kaniyang pamilya na maghahagikgikan na lang
sa tuwing nauungkat ang mga ganitong kaunlaran.
32 Para lamang daw iyang LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa isang
estasyon ay makakarating ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang nang ikot at
hindi nakakaabot sa kanayunan.
33 Mahigit limampung taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo; isang tunay
na magsasakang nabubuhay kahit paano sa kaniyang mga sinasaka, umaasa sa sarili
at walang pineperwisyo.
34 ‘Yan lang ang kaniyang maipagyayabang, na binuhay niya ang kaniyang pamilya,
walang-wala man sila. Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kaniyang ama, kahit
walang-wala mandin sila.
35 Kaya’t nakakahimlay siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayong
halumigmig ang hangin na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong may
ampalaya na hinapunan nila kanina.
36 At sila’y natulog nang mahimbing.

Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama
Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip.
Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa
akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita
upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi
nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may
punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating
mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang
utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga
bagay-bagay na nangyari sa ating paligid.
Ngunit, naisip ko, habang sinasabi
na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano naman kaya ang
mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga
taong katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga
saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang
kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang mga
nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili
laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong
nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at pagbabago ng
ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng pananahimik nila sa
sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin ang mga gusto
nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatang
makapagsalita?
Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama.
Salamat sa internet! Ito ang
nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang ilang mga
bagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran. Hindi ko man
maisatinig palagi ang mga nais kong sabihin, maaari ko namang maisulat
ang mga ito. Gamit ito, naipaparating ko sa aking mga kaibigan ang aking
kasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw at mungkahi ukol sa ilang mga
isyung personal at panlipunan.
Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa facebook.
Nanghihingi siya ng mga mungkahi sa kung anong magandang gawin ngayong
bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. May mga nagsabing
magbabad na lamang sa pagfe-facebook. May mga nagsabing maglaro na lamang daw sila ng mga computer games.
Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na
nagbabadyang tumaas na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga
mungkahi nila. Sa una'y nag-aalinlangan akong magbigay ng opinyon pero
nag-aalala ako na baka hindi nila magugustuhan ang sasabihin ko o baka
hindi maganda ang magiging reaksyon ng mga makakapansin sa aking
isusulat. Ngunit, maya-maya ay nagpasyahan ko na magbigay na rin ng
aking opinyon. Naisip ko, wala namang masama kung susubukan kong magtipa
ng mga nais kong sabihin. Iyon ang unang pagkakataong nagbigay ako ng
opinyon maliban sa mga madalas kong iminumungkahi na "hahaha" , "tama" ,
at kung anu-anong mga pangkaraniwang ekspresyon.
"Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o 'di kaya'y mag-swimming ka para ma-enjoy mo ang init ng panahon. Kung gusto mo'y pwede ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat ng blogs tungkol sa iyong sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong tag-init."
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang nag-like
ngunit may ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil
marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit papaano'y
naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa iba, hindi ba? Kaya
simula noon ay ganap ng natanggal ang mga pag-aalinlangan kong
magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais kong
sabihin ay madalas ko na ring ipinopost sa facebook at twitter.
Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni Mama.
Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayag ng aking saloobin sa internet
sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang
diskriminasyong nagaganap sa mundong ito. Lahat ay pwedeng gumamit nito.
Bukas kasi sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapabata,
estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga
tagapag-ulat, manunulat, mga lolo't lola, maging ang mga may kapansanan –
sinuman ay mamamangha sa dami ng pakinabang nito.
Syempre, hindi magpapatalo ang mga
kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba pang kabataan
para ipaalam sa lahat ang reaksyon, opinyon, at saloobin namin tungkol
sa mga nangyayari sa aming paligid – pamilya, pamayanan, lipunan at
mundo. Ang bawat titik na itinitipa namin sa kompyuter ay may mahalagang
mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming mga blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace
ay pwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tama ang
ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang kami
basta-basta nagpapalipas ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan
namin ito.
Napag-isip-isip ko na kahit sa
lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan sa pamamagitan ng internet,
hindi ba't kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang
mga raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga
hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila
pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng internet
ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga blogs na nakapost
doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang
ipinaglalaban nila. Lahat tayo'y umaasa na sa oras na mabasa ng may
kapangyarihan ang mga reaksyon at opinyon na inilalagay natin sa
internet ay malalaman nila at baguhin ang kanilang mga pagkakamali.
Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon.
Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba't
iba naming reaksyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at
pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na namin ipino¬-post
ang mga naglalakihan naming mga plakards ng reaksyon at hinaing. Dito na
namin ipinapakalat ang mga nalilikha naming mga tula, sanaysay at
artikulong magbubukas ng isip sa kapwa-kabataan namin.
Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-facebook
na lang ang inaatupag ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro nga'y
napapansin na halos 'di kami matinag sa harap ng kompyuter pero hindi
naman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng
modernisasyon kaya nakasanayan na naming gumamit ng internet para
maipahayag namin ang aming mga sarili – ang aming mga saloobin, mga
pananaw, reaksyon, at mga opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na
rin namin makontrol ang aming mga sarili sa paggamit ng internet, at
inaamin ko na nagkakamali kami, pero sana'y maunawaan ninyo na sa mga
edad naming ito ay masyado kaming sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa
totoong mundo at sa mundo ng cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng internet.
Tuwing kinakausap ako ni Mama noon
ay nakikinig lamang ako sa kanya. Para akong piping hindi nagsasalita
kapag tinatanong niya ako kung ano ang opinyon at pananaw ko sa isang
bagay. Hindi ko alam kung nag-aalala ako na baka mali ang masasabi ko o
natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero ngayon, panatag ko nang
nailalahad ang aking mga opinyon, pananaw, at mga nararamdaman kay Mama,
at pati na rin sa mga taong malalapit sa aking buhay. Para akong piping
natutong magsalita. Salamat kay Mama sapagkat natuklasan kong maging
Mendiola ang internet na naging dahilan sa pagsasatinig at pagsasatitik
ng aking mga saloobin. Malaking bagay na natuto akong ibahagi ang aking
nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam kong makatutulong din ang
mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing
naipahahayag ko ang aking nararamdaman dito.
magkabilaan
Ang katotohanan ay may dalawang mukha Ang tama sa’yo ay mali sa tingin ng iba May puti, may itim, liwanag at dilim May pumapaibabaw at may sumasailalim Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init Kapag nawala ang isa ang isa’y di mababatid Ang malakas at ang mahina’y magkapatid Magkabilaan ang mundo Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan Ang nagpapanday ng gusali at lansangan Maputik ang daan tungo sa dampag tahanan May mga haring walang kapangyarihan Mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan May mga sundalo na sarili ang kalaban At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan Magkabilaan ang mundo May kaliwa’t may kanan sa ating lipunan Patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban Pumanig ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa Ang ‘di makapagpasiya ay naiipit sa gitna Bulok na ang haligi ng ating lipunan Matibay ang pananalig na ito’y palitan Suriin mong mabuti and iyong paninindigan ‘Pagkat magkabilaan ang mundo Magkabilaan ang mundo
pork empanada
Madalas ka ba sa Katipunan?
Siguro’y nakita mo na ang Frankie’s Steaks
and Burgers, sa tabi ng bagong Cravings, malapit sa Lily of the Valley Beauty
& Grooming Salon. Kung nakita mo na iyon, nakita mo na rin siguro si
Bototoy.
Lunes hanggang
Sabado, inaakyat ni Bototoy ang liku-likong landas mula Barangka hanggang
service gate sa likod ng Ateneo Grade School, kasama ng tatay niyang
maintenance engineer sa paaralan at ng mga kalaro niyang sina Nono, Itoc, at
Radny. Karamihan sa mga batang umaakyat doo’y humihimpil sa malawak na covered court
ng College, sa tabi ng Our School, malapit sa Obesrvatory, kung saan sila
nagaabang ng magba badminton at tennis na tatawag ng pulot boy. Si Bototoy
naman ay hindi humihimpil doon. Lalakarin niya ang malayu-layo pang Gate 2, at
doon ay tatawid siya sa Katipunan, upang maupo sa sentadong island sa harap ng
Frankie’s Steaks and Burgers. Natatandaan mo na ba siya?
Anim na taong gulang si Bototoy. Ahit ang
kaniyang ulo maliban sa tumpok na buhok sa ibabaw ng kaniyang noo. Mabilog at
masigla ang kaniyang mga mata. Mabilog din ang kaniyang pisngi, lagi siyang
nakangiti, at mayroon siyang mga ngipingkuneho. Suot-suot niya’y kamiseta’t
shorts at sandals na Happy Feet na laging kupas at maluwang, pagkat pinaglakhan
ng kaniyang mga kapatid. Maliit si Bototoy, kaya’t di siya humihimpil sa
covered court. Doon ay lagi siyang nauunahan sa pagpulot ng bola nina Nono at
Itoc at Radny at ipa pang batang barangkang higit na maliksi at higit na malaki
sa kaniya. Kaya nga’t isang araw ay napadpad siya sa harap ng Frankie’s Steaks
and Burgers, at doon ay nagkusa siyang mag-watch-your-car. Kaniya-kaniya ang
lugar na iyon, pagkat ang ibang bata’y nasa harap ng Shakey’s at ng Jollibee at
ng McDonald’s at ng Kentucky’s, sa iba pang mga bahagi ng Katipunan, kung saan
marami at sunud-sunod ang pumaparadang sasakyan. Bagamat mangilan-ngilan nga
lamang ang tumitigil sa harap ng Frankie’s ay kuntento na si Bototoy – kahit
kung minsan ay hindi siya inaabutan ng kahit singko, at kung minsan ay hindi
siya pinapansin, at kung minsan ay binubulyawan pa siya ng may-ari ng sasakyan.
Kung mahina ang raket ay magdamag siyang
nauupo sa sementadong island sa harap ng Steaks and Burgers, na parihaba niyang
trono, maalikabok tuwing tag-init at tuwing tagulan ay maputik. Ngayon –
naaala’la mo na ba siya?
Labing-isa ang kapatid ni Bototoy – ang apat
na panganay ay nagsipagasawa’t mayroon nang pamilya. Ang sumunod pang apat ay
nagtapos ng hay iskul at kasalukuyang iginagapang ang pag-aaral ng tatay nilang
maintenance engineer at ng nanay nilang hilot. Ang sumunod na dalawa’y nasa
elemetari pa. Si Bototoy at ang bunsong si Nining ay pinagpasiyahang huwag
munang pag-aralin, pagkat libre man ang matrikula’y sakit ng ulo ang pambili ng
gamit at kasangkapan sa mga prodyek. Paboritong kapatid ni Bototoy si Nining.
Tuwing papanaog sa Barangkang kasakasama ng
tatay at mga kalaro, bago umuwi’y nagdaraan siya sa tindahan ni Aling Rory: sa
gaano mang kaliit na kinita sa pagwa-watch-your-car ay ibinibili niya ang bunso
ng kahit na anong munting pasalubong: isang supot na Oishi o Ding Dong o Tomi,
o dalawang balot na Choc-Nut o Kripy Bar o Cloud 9, o tatlong pirasong White
Rabbit o Snow Bear o Judge. Saka lamang siya papasok at susuot sa pasikut-sikot
na looban, tungo sa kanilang tinitirhan. Sa may poso pa lamang ay tanaw na niya
ang malinggit na si Nining, nakaupo sa may pintuan, naghihintay, nakadamit at
sadals na Happy Feet na kupas at maluwag din, ang mga mata’y mabilog at masigla
rin, ang mga pisngi’y mabilog din. Nakangiti. At tulad niya’y mayroong mga
ngiping-kuneho.
Pagkatapos maghapunan ng patis at kangkong, o
kung minsa’y bagoong, sina Bototoy at Nining ay tumutulong sa nanay sa
pagtitiklop ng sinampay, pagkatapos ay nakikipanood ng telebisyon sa
kapitbahayna sina Aling Mela. Bago mag-alas-otso’y pinapapanhik na sila, kaya’t
naglalaro’t naghuhuntahan na lamang sa magkabila ng maliit nilang kahon ng mga
laruang plastik.
“Bukas, Kuya, ano’ ’uuwi mo?” laging tanong
ni Nining.
“’Di ko sasabihin, sorpresa,” lagi namang
sagot ni Bototoy.
“Marami’ klase’ kendi?”
“Maraming-marami. ’Pag marami’ ’ko’ makuha’
pera, mas marami’ ’ko’ mabibili.”
“Kuya, sa’n ka ku’kuha’ pera?”
“Sa Katipunan. Don ako nagtatrabaho.”
“Do’n sa trabaho ni Tatay?”
“Hindi, mas malayo pa. Tatawid ka pa. Mi’san,
kung gusto mo, ‘sasama kita.”
“Gusto ko, Kuya.”
At
tulad ng dati,
magbibida si Bototoy tungkol sa kaniyang pagwa-watch-your-car sa harap
ng Frankie’s. Tungkol sa mga taong nagagawi roon. Tungkol sa kanilang
mga kasuotan. Tungkol sa kanilang mga sasakyan. Tungkol sa minsa’y
nag-abot sa
kaniya ng limang piso.
Si
Nining ay
mangangarap ng kendi at damit at laruan. At si Bototoy naman
ay mangangarap nng pagbabantay ng pagkarami-raming sasakyan, sa harap ng
Frankie’s Steaks and Burgers, sa Katipunan. Madalas ka ba roon?
Siguro’y
narinig mong
tunay na masarap ang pagkain doon. Taga-Mabalacat ang may-ari at ubod ng
linamnam ang kaniyang tenderloin at t-bone at spare ribs
at Hawaiian at Salisbury at a la pobre at beef teriyaki at tocino at
skinless at
tapa at arroz a la Cubana, na laging hanap-hanap ng nagsisidayo roon.
Maliit at makitid ang
puwesto, ngunit malinis at naka-aircon. Nakagigiliw sa paningin ang mga
ilaw na
pendiyente sa ibabaw ng mga mesa, at laging may masayang tugtugin. Sa
tabi ng kaha, may
lata-latang turrones de casuy at basket-basket na petit fortunes at
gara-garapong yemas at
balotbalot na espasol at bote-botelyang garlic peanuts.
Pero iisa ang pambato ng Frankie’s Steaks and Burger – di lamang sa mga regular na parokyano kundi sa lahat ng nagsisidaan, pagkat sa tabi ng pintuang salamin ay may aluminyum na bintanang pan-take-home, at sa ilalim ng bintana’y may makulay na paskil na tinitikan ng pentel pen na pula at asul sa isang parisukat na pirasong dilaw na kartolina:
FRANKIE’S ESPECIAL
PORK EMPANADA
P 10.50
Nakakain ka na ba ng pork empanadang iyon?
Uma-umaga,
tangha-tanghali’t
hapon-hapon, di iilan ang nagsadya sa Katipunan at tumigil sa harap ng
Frankie’s at kumatok sa bintana at nag-order ng pork
empanadang iyon: isa-isa, dose-dosena, grosa-grosa – pambaon,
pangmeryenda, panregalo,
panghain sa bisita. Di rin iilan ang nag-order at doon mismo kumain,
kung hindi sa tapat
ng bintana’y sa harap o gilid ng munting restawran, at kung hindi sa
harap o gilid
noon ay sa nakatigil nilang sasakyan. Lagi silang pinanonood ni Bototoy,
nakatuntong
sa sementadong island, tahimik at nag-iisa.
Minsa’y isang binata at isang dalaga ang
nagparada ng Galant, at nag-order ng pork empanada at Coke, at doon nagpalamig
sa loob ng sasakyan.
“Bos, watsyorkar,” magalang na mungkahi ni
Bototoy, na winalang-bahala lamang ng dalawa, palibsahang may masayang biro
silang pinagtatawanan. Muling naupo si Bototoy sa sementadong island. Pagkat
bukas ang bintana ng Galant, dinig ni Bototy ang kanilang usapan habang sila’y
kumakain, maging sa kaniyang kinauupan:
“I always buy this, it’s so ‘sarap,” sabi ng
dalaga.
“’Galing the crust,” sabi ng binata.
“Yeah, it’s so manipis and it’s so malutong,
‘di ba?”
“When you bite it, it’s like manamis-namis.”
“This one’s really, really, really may Tita’s
favorite. She’ll go out and make lakad just to buy. It has giniling with no
taba, and bacon bits, and chips, and raisins, and water chestnuts, and chopped
onions and carrots, and grated cheese. So diff’rent from the commercial ones
you buy in other places, how harang, it’s all potatoes and it’s so maalat and
it tastes like flour.”
Matapos magmirindal ay hinagis nila sa labas
ang mga basyong plastik, na matapos inuma’y kinuyumos muna’t pinilasan, at ang
mga pirasong wax paper na pinagbalutan ng empanda, at ang manipis na
sorbelyeta.
Sabi ni Bototoy sa kaniyang sarili, “Pag
yumaman ako, kakain ako no’n.”
Pinagmasdan niya ang dilaw na paskil, at ang
aluminyum na bintana, at ang weytres na naroo’t nag-aayos ng bunton-buntong
pork empanadang nangagkabalot ng wax paper sa mga plastik na bandeha.
Sinuksuk ni Bototoy ang isa niyang kamay sa
kaliwang bulsa ng maluwang niyang shorts: doo’y may dalawang beinte-singkong
bagol. Sinuksik ang kabila sa kanang bulsa: isang diyes, tatlong singkol,
dalawang mamera. Matagal-tagal pa, at marami pang sasakyang babantayan, bago si
makabili ng kahit isang pork empanada.
Kung sana’y malaki-laki lamang siya, nang
makapag-pulot-boy sa covered court, o kaya’y makapangagaw ng iwa-watch-your-car
sa harap ng Shakey’s at ng Jollibee at ng McDonald’s at ng Kentucky’s!
Tatlong piso at kuwarenta sentimos lamang ang
kinita niya sa buong maghapon. Nang sunduin niya ang tatay niysa sa Maintenance
Department ay tahimik siya’t malayo ang tingin. Kagyat na naisip ng tatay
niya’t mga kalaro kung siya’y nadapuan ng sakit, ngunit dahilan niya’y napagod
lamang siya sa kawa-watch-your-car sa harap ng Frankie’s. Sa tindahan ni Aling
Rory ay matagal niyang pinagmunimunihan ang ipapasalubong sa bunsong kapatid.
Nakuntento siyang bumili ng isa balot na ruweda.
May dalawang piso’t labimpitong sentimo
siyang natitira – imbes ibili ng lastiko o holen o teks o ihulog sa alkansiya
ng nanay ay maitatabi niya. Bilang simula ng kaniyang pagiipon. Noong gabing
iyon, bago ganap na makatulog ay nanagimpan siya ng masarap na buhay na walang
takot at walang pagod at walang sakit at walang kakulangan sa pera at walang
problema, at sa pinilakang tabing ng kaniyang diwa’y kasama niya si Nining, at
sila’y nagbibiruan, at sila’y nakasakay sa isang (maliit, mangyari’y
panagimpang-bata) Galant, at sila’y nagparada sa harap ng Frankie’s, at sila’y
nag-order ng pork empanada at Coke, at doon sila nagpalamig sa loob ng
sasakyan.
Pagdilat niya’y maliwanag na sa labas, at
yinuyugyog siya sa balikat ng tatay niya.
“Toy – sasama ka ba?” dinig niyang bulong ng
tatay niya.
“Opo,” tugon niya, bagamat talos niya na sa
umagang iyon ay manghuhuli sina Nono at Itoc at Radny ng alupihang-dagat sa San
Roque, at noong makalawa lamang ay naghanap siya ng malinis na basyo ng Ligong
paglalagyan, at nagpaalam siya sa nanay.
Dalawang piso lamang ang kinita niya noong
araw na iyon, kayat sa tindahan ni Aling Rory ’y higit pa siyang nagmunimuni
bago nagpasiyang bumili ng apat na pirasong Tootsie Roll, na siyang
pinasalubong niya kay Nining. Ang basyo ng Ligong ginawa niyang sisidlan ng
sinsilyo’y kaniyang nadagdagan – nang kaunti lamang, gayunpama’y nadagdagan.
Inalog niya iyon at pinagmasdan. At inisip na sa loob ng sanlinggo’y maaaring
mangalahati na ang laman niyon. At inisip din na sa loob ng isang buwan ay
makabibili na siya ng pork empanada. At muli niyang inalog at pinagmasdan.
“Nag-iipon ako, Nining,” pagtatapat niya sa
bunsong kapatid, bago niya ibinaon ang basyo sa ilalim ng maliit nilang kahon
ng mga plastik na laruan. “’Pag marami na ’ko’ pera, bibili tayo’ empanada.
Masarap iyon.”
“Parang litson, Kuya?” usisa ni Nining.
“Mas masarap. Mayayaman ang kumakain no’n.”
“Sa bertdey ko, Kuya?” usisang muli.
“Oo. ’Pag marami na
’ko’ pera. Kakain tayo do’n.”
At sandaling nagliwanag sa isip ni Nining ang larawan ng sari-saring maririkit na kainan, na madalas nilang matanaw ng nanay mula sa mga dyipni at bus na kanilang nasasakyan.
Tulad ng maraming kainan sa Katipunan, hindi ba?
Tulad ng mga kainan doon na hinihimpilan ng mga batang watch-your-car. Sa harap ng Shakey’s, at ng Jollibee, at ng McDonald’s at ng Kentucky’s at ng Frankie’s Steaks and Burgers.
At Isa si Bototy sa
mga batang iyon, kaya’t siguro’y nakita mo na siya. Pagkat kinabukasa’y
naroroon na naman si Bototoy, naghihintay at nagbabantay. Uma-umaga,
tangha-tanghali, hapon-hapon. Nakilala niya ang mukha ng pagtitiyaga at ng
pagtitiis, at ng pagsisikap, at ng pag-aasam, at ng pagbabakasakali. Ng ginhawa
ng pagpanhik sa bahay na may bulsang puno ng sinsilyong kumakalansing. Ng
lungkot ng pagkaalat, ng paghiga sa banig na malakas ang pagnanasang makabawi
kinabukasan. At kinabukasan pa. At kinabukasan na naman. At kinabukasang muli.
Datapuwat sa pagdaan ng mga araw, ang sisidlang basyo ng Ligo’y nangalahati
rin, at dumami ang nilalaman. Nang bilangin ni Bototoy ang sinsilyo’y umabot na
sa beinte-uno, at maibibili na niya ng pork empanada para sa kanilang dalawa ng
bunsong kapatid.
“Bukas tayo bibili,” malapad na ngiti ni
Bototoy. Naghagikgikan sila at nanggigil sa tuwa, at nagsilitaw ang kanilang
mga ngiping-kuneho.
Madaling-araw pa lamang ay gising na gising
na ang magkapatid. Nagbihis si Nining ng kaisa-isa niyang barong panlakad –
kulay-koton kendi at may kuwelyong maypalibot na kulay-sapin-sapin at malaking
lasong kulay-koton kendi rin – na binibihisan lamang tuwing may binyag o kasal
o pistang-bayann o simbang gabi o dalaw-aginaldo.
Nagpulbos siya’t nagsuot ng hikaw niyang
plastik at hugis-bituin. Si Bototoy naman, pagkat walang sariling maayos na
panlakad ay nagsuot pa rin ng maluwang niyang shorts, at ng kamisetang may
dibuhong kupas na oso at mga titik na “so happy summer day be many friends”, na
hiram sa nakatatandang kapatid.
“Papasyal ang dalawa, ha,” biro ng nanay nang
sila’y paalis na.
“’Be-bertdey parti
kami Kuya,” masayang bitiw ni Ninging, at humawak siya nang mahigpit sa kamay ni Bototoy.
Inakyat
nila ang
liku-likong landas mula Barangka hanggang service gate sa likod ng
paaralan,
kasama ng tatay nila at nina Nono, Itoc, at Radny. Nagdaan sila sa
covered court, at nilakad ang malayu-layo pang Gate 2, at doon ay
tumawid sila sa
Katipunan, patungong Frankie’s Steaks and Burgers.
Samatala’y malihis
muna tayo. Kung madalas ka nga sa Katipunan, at kung nakita mo na nga ang
Frankie’s Steaks and Burgers, at kung nakakain ka na nga ng Frankie’s Especial
Pork Empanada, nakita mo na rin siguro ang weytres na madalas matoka sa
aluminyum na bintana roon.
Noong umagang iyon ay
muling gumising nang may toyo sa utak ang weytres. Noong kasing nakaraang
linggo at nagsara sila ng kainan, nang magbilangan ng pera’y natuklasang kulang
ng beinte-uno ang kabuuang bayad sa empanada. Sinabunan ng may-ari ang weytres
sa pagiging burara, at pinaghinalaan pang nangupit ng dalawang empanada.
Bagamat di siya inawasan ng sahod, labis na dinamdam ng weytres ang pangyayaring
iyon. Totoo ngang siya’y burara – bukod sa suplada at masungit at laging nakaismid
– ngunit sa pangungupit ng empanada’y wala siyang kasalanan.
Noong umagang iyon, nang ipasok ng
nagdedeliber ang mga kahon ng sariwang empanada, isa-isa yaong binuklat ng
weytres, at ang nilalaman ay maingat niyang binilang. Inayos niyang
bunton-bunton sa mga plastic na bandeha. Dinala’t pinatong sa pasemano ng
aluminyum na bintana. At hinugot ang drower sa ilalim ng bintana, upang ilabas
ang librito ng mga resibong puti at rosas at pirasong carbon paper at bolpen na
matagal nang nawawala ang takip (at bunga ng kaniyang pagiging burara).
Noong umagang iyon – bago dumating sina
Bototoy at Nining – ang nalalabing mga resibong puti sa librito’y naubos.
Muling hinugot ng weytres ang drower sa ilalim ng bintana – sa sulok kasi niyon
ay may nakasalansang mga buong librito. Nang humila siya ng librito, dalawang
empanada ang nasagi ng kaniyang kamay. Nangakabalot pa ng wax paper, ngunit
papanis na – noong nakaraang linggo’y nahulog sa drower at natulak sa loob (na bunga
rin ng kaniyang pagiging burara).
Nakaramdam ng inis ang weytres. Naalala niya
ang masasakit na salitang bitiw ng may-ari ng kainan, at ang paghihinala nitong
nangupit siya ng empanada. Nakaramdam din siya ng itim na gala – galak ng
paghihiganti, at galak ng pagwawagi.
Napaisip ang weytres. Hawak-hawak niya ang
mga empanada sa kaniyang mga kamay: parang dalawang shoulder pads ng blusang
dapat niyang tubusin sa mananahi mamayang gabi. Parang dalawang malalaking
kwei, mga pulang kahoy na pinahagis sa kaniya sa templong Tsino, minsang
samahan siya ng kaibigan upang magpahula ng magandang hanapbuhay.
Nang sandaling iyon ay may kumatok sa
aluminyum na bintana, at pagsungaw ng weytres ay may dalawang maliit na batang
naroroon, nakatingala sa kaniya, mabibilog at masisigla ang mga mata, mabibilog
din ang mga pisngi, nakangiti, at may mga ngipingkuneho.
“Pabili po ng dalawa’ empanada,” bati ng
batang lalaki.
At bilang kaganapan ng itim niyang galak ay
kinuha ng weytres ang beinte-unong abot-abot ng bata, at iyon ay lihim niyang
binulsa, iniabot naman niya ang dalawang lumang empanada.
“’Upo tayo, Nining,” ngiti ni Bototoy,
dala-dala ang kanilang kakanin. Upang di marumhan ang damit ng kapatid ay
pinagpagan niya ng alikabok ang isang bahagi ng sementadong island. Naupo
silang magkasiping, nagngingitian, naghahagikgikan at nanggigigil sa tuwa.
“Dito ‘ko
nagtatrabaho,” pagmamalaki ni Bototoy, at pinagmasdan ni Nining nang buong
pagmamangha ang kanilang kapaligiran. Maingat nilang binuklat ang wax paper, at
masayang tiningna ang mga empanada, at masaya yaong sinubo, at kinain nang
marahan upang namnamin ang lasa’t di nila agad maubos.
“Kaka’nin mo’ balat,
Nining, kasi malutong,” bilin ni Bototoy,
“Masarap, Kuya.”
“Masarap.”
Sa Katipunan, patuloy na nagdaan ang mga sasakyan, mabilis at mabagal..
ang kapangyarihan ng wika ang wika ng kapangyarihan
Hanggang ngayon, hindi ko
maintindihan kung bakit kinakausap natin ang ating mga
aso sa wikang Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing,
“Upo, Bantay, upo,” o “Habol, Kidlat, habol.” Ang
maririnig mo ay “Sit, Rover, sit,” o “Fetch, Fido,
fetch.” O kung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga
taong Filipino ay may mga pangalang Rover, Fido, at Fifi,
kaya hindi nakapagtatakang pangalanan din natin ang
ating mga aso ng ganoon.
Ang nakapagtataka ay kung
bakit kinakausap natin sila sa Ingles. Ibig sabihin,
kakaiba ba ang korte ng kanilang mga utak at natural
silang sumusunod sa mga utos sa Ingles? Ang tinig ba ng
Ingles ay hawig sa mga tunog na ginagawang silent dog
whistle?
Ipauubaya ko sa mga
dalubhasa sa sikolohiya ng hayop ang pagpapaliwanag nito.
Pero may punto rito. At ang punto ay ito: marami at
sari-sari ang gamit ng wika; hindi lamang bilang isang
paraan ng komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin ko,
lubos na simplistiko ang paniniwalang ang wika ay isa
lamang kasangkapan sa komunikasyon. Sa tingin ko, lubos
na simplistiko ang paniniwalang ang tanging papel na
ginagampanan ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay-daan
sa palitan ng mga idea ng mga tao sa lipunang iyon.
Totoong ang isang wika ay
isa ring paraan o kasangkapan sa komunikasyon. At
bagama’t isang bahagi lamang ito ng kabuuan ng wika ay
malaking bahagi ito. Sa bagay na ito, malaki ang halaga
ng Ingles bilang isang paraan ng komunikasyon. May punto
ang mga nagsasabi sa atin na hindi natin maaaring
kaligtaan ang Ingles. Talaga namang hindi. Ang Ingles ay
ang ating susi–o sabi nga ng mga bata, ang ating
“connect”–sa mundo. Ito ang ating susi sa pandaigdigang
impormsyon. Lalong-lalo na sa panahong ito na
masasaksihan natin ang isang “information explosion” na
likha ng computers. Malamang ay narinig na ninyo ang
Internet, ang pandaigdigang electronic board para sa
lahat ng uri ng impormasyon. Sa pamamagitan ng Internet
ay maaari nating ma-access pati na ang US Library of
Congress at mag-research doon. Maaari din tayong
makapanood ng sine o retratong bomba. Walang MTRCB sa
Internet.
Pero kailangan pa rin ang
Ingles para mapakinabangan ang mga biyayang ito.
Bagama’t ang computer programs ay nagiging mas graphic
na kaysa word-based—gumagamit ng icons kaysa salita—kailangan
pa ring magbasa kahit katiting. At ang iskrip ay sa
Ingles. Bukas ang information highway sa anumang uri ng
sasakyan, kahit kariton, pero nakasulat sa Ingles ang
mga signs sa kalye. Pag hindi tayo marunong mag-Ingles,
mawawala tayo sa kalye. At talaga namang pagkalalawak ng
mga kalye rito.
Pero huwag nang isipin ang
Internet; isipin na lang ang simpleng paglalakbay.
Kailangan pa rin ang Ingles—maliban na lang kung sa
Pilipinas ka lang maglalakbay. At kung tutuusin, hindi
bale na rin ang mundo—o ang pisikal na paglalakbay sa
mundo na maaaring magawa ng iilang Filipino lamang.
Isipin na lang ang paglalakbay ng isip na magagawa sa
pagbabasa, panonood ng sine, pakikinig ng balita.
Kailangan pa rin ang Ingles—liban na lang kung ang
papanoorin lang ay mga sine ni Silvester Stallone.
Walang duda na kailangan
natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles.
Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala
tungkol sa kahalagahan ng Ingles. Isa sa mga maling
akalang ito ay ang paniniwalang ang Ingles ay ang susi
sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ang paboritong
argumento ng mga nagtataguyod ng Philippines 2000.
Pinabubulaanan ito ng
Thailand. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahil
sa ang sulat dito ay sulat-bulate, ayon nga sa isang
kaibigan, kundi dahil iilan lamang ang marunong mag-Ingles.
Iba pa kung paano nila bigkasin ang Ingles, na talaga
namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit
na hotel clerks ay hindi makapag-Ingles ng diretso. Ang
pinakamadaling paraan para makapagtalastasan sa taxi
driver at tindero ay sign language.
Pero gayumpaman, ang
Thailand ay isang tigre, samantalang tayo, na
ipinangangalandakan ang ating Ingles, ay isang
basang-sisiw lamang. Ayon kay Peter Limqueco, isang
kaibigan na nag-eedit ng isang diyaryo sa Bangkok.
Pumapangalawa lamang ang Thailand sa Japan sa computer
technology sa Southeast at South Asia. Makikita ang
ebidensiya ng kaunlaran sa Bangkok—sa mga gusali, sa mga
skyway, sa mga pagawaan. Ang kaunlaran dito, ayon kay
Peter, ay hindi sinusukat sa taon kundi sa buwan. Mawala
ka lang ng ilang buwan at nagbago na ang itsura ng
lugar.
Bale ba, bagama’t hindi
marunong mag-Ingles ang mga Thai ay higit na malaki ang
kanilang turismo kaysa atin. Ihambing mo ang turismo
nila at turismo natin at parang pinaghahambing mo ang
daga at elepante. Ang bilang ng mga turistang pumapasok
sa atin sa isang taon ay ang bilang ng turistang
pumapasok sa Thailand sa isang buwan. Malinaw na ang mga
tao ay bumibisita sa ibang bansa hindi dahil sa kaalaman
ng mga mamamayan doon ng Ingles.
Subalit hindi pa ito ang
problema sa Ingles. Sapagkat gaya ng nasabi ko kanina,
hindi lamang isang paraan ng komunikasyon ang wika.
Lalong-lalo na ang Ingles. Lalong-lalo na sa bansang ito.
Ang Ingles ay hindi lamang isang paraan para
makapag-usap; ito ay isa ring paraan para makapaghari.
Hindi lamang ito isang susi sa impormasyon; isang susi
ito sa kapangyarihan. Ang Ingles ay kapangyarihan sa
isang paraan na higit pa sa karaniwang kahulugan na
kapag matatas kang magsalita ay may kapangyarihan ka sa
kaligiran mo. Kapangyarihan ang Ingles sa isang payak o
literal na paraan. Marunong kang mag-Ingles,
makararating ka sa itaas. Hindi ka marunong mag-Ingles,
mauuwi ka sa pagiging kargador.
Sa bansang ito, hindi
lamang salita ang Ingles kundi orasyon, na
pinanghahawakan ng isang kaparian. Ano man ang sabihin
mo, matino man o hindi, kapag sinabi mo sa Ingles ay
nagkakaroon ng bigat, o halaga. Ang “marunong mag-Ingles”
ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe.
Palatandaan ito ng kaalaman, ng pagkakaroon ng “class,”
ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan. Kapag sinabi mo
ang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng
malalim.
Siguro ito ang dahilan kung
bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa Ingles.
Siguro, akala natin, kapag nag-Ingles ka, aso man ay
seseryosohin ka.
Sa mula’t mula pa ay
nasapol na ng mga Kastila ang katotohanang ang wika ay
kapangyarihan, at sinikap nilang pakinabangan ang
kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagkakait sa mga
Indio ng salitang Espanyol. Kung sa bagay, sa umpisa ay
hindi ito tuluyang sinadya. Nakita ng mga misyonerong
kagaya ni Pedro Chirino na mas madaling pag-aralan ang
mga salitang indio kaysa turuan sila ng Espanyol. Mas
madaling turuan ang mga Indio ng Kristiyanismo sa
pamamagitan ng kanilang mga wika kaysa Espanyol.
Makikita rin ang mga bagay na ito nina Mike Velarde at
iba pang mga matagumpay na “misyonero” sa kasalukuyan.
Sa bandang huli na lamang sadyang ipinagbawal ng mga
Kastila ang wikang Espanyol sa mga eskuwelahan at iba
pang institusyon ng mga Indio. Ito ay para ipuwera sila
sa alta sosyedad at tuloy sa pagpapalakad ng bayan.
Iba ang naging karanasan ng
mga bansa sa America Latina. Kaiba sa Filipinas, ang mga
bansang ito ay naging settler colonies, o mga kolonyang
tinirahan ng mga taong galing sa kanluran. Para matirhan
ang madaming lugar dito ay pinagpapatay ng mga settler o
kolonyalista ang katutubong populasyong Indio. Isang
malinaw na kaso ng genocide. Umusbong ang isang
populasyong creole, na galing sa mga dayong Espanyol at
nagsasalita ng Espanyol.
Naunawaan ng mga Espanyol
na ang wika ay kapangyarihan pero nagkamali sila sa
pagsasamantala nito. Ang mga Amerikano ang makakikita ng
wastong pagsasamantala nito. Ito ay hindi ang pagkakait
ng wikang kolonyal sa mga Indio kundi ang pagpapalaganap
sa kanila nito. Ang pagkakait ng mga Espanyol ng wikang
Espanyol sa mga Filipino ay hindi nakapagpabait sa mga
Indio. Naging rebelde sila. Ang pagtuturo ng Ingles sa
mga Filipino ay hindi nakapagrebelde sa kanila. Naging
masunurin sila.
Ito ang totoong problema sa
Ingles, ang dahilan kung bakit hindi natin dapat
akalaing ito ay isang purong grasya. Malinaw sa ating
kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan
ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles
ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga
mamamayan. Naging paraan para ito ay sa paghahati ng mga
mamamayan. Ang tanging diyalogo na ginawa nito ay ang
diyalogo sa pamamagitan ng pamahalaang kolonyal at ng
lokal na naghaharing-uri. Kasunod sa kaputian ng balat,
ang galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa
sirkulo ng kapangyarihan.
Nalikha ng mga Amerikano sa
pamamagitan ng Ingles ang isang naghaharing-uri na
sumasawsaw sa kanilang kultura. Ang wika ay hindi lamang
koleksiyon ng mga salita at mga paraan sa paggamit nito.
Ang wika ay isang buhay na bagay. Tumutubo ang wika mula
sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika sa pambansang
kasaysayan at karanasan. Ang pag-aral ng Ingles ay hindi
lamang pagkabisa ng mga salita at paggamit nito. Ang
pag-aral ng Ingles ay pagbabad sa kultura na lumikha
nito.
Alam ko. Bilang isang
manunulat sa Ingles, alam ko na para ka magkaroon ng
kumpiyansa sa salitang iyon ay kailangan angkinin mo ang
kaluluwa noon. Hindi lamang grammar at syntax ang wika.
Ang wika ay kultura at sensibilidad.
Kung tutuusin, ang wika ay
hindi laging nagdudulot ng komunikasyon. Kung minsa,
nagdudulot ito ng kawalan ng komunikasyon. Malinaw na
malaki ang ambag ng Ingles sa pangalawa. Higit tayong
pinaghiwalay kaysa pinag-isa nito. Makikita ang puwang
sa lipunan sa ating mga sine, ang pinakapopular na uri
ng entertainment dito sa atin. Kapag mayaman ang pamilya
ay tiyak na Ingles ang dialogue. Kapag katulong ang
karakter ay mag-tatagalog, lalong-lalo na ang tipong may
puntong Batangas o Bulacan. Para maging class ang
dating, ang mga artista mismo ay sumasagot sa Ingles sa
mga interview. Bagama’t sikat siya sa labas, si Melanie
ay laging magiging api rito dahil hindi siya marunong
mag-Ingles.
Ano ang dapat gawin? Paano
natin pagtutugmain ang pangangailangan natin sa Ingles
sa isang banda at ang pangangailangan natin ng isang
wikang magbubuklod sa atin sa kabila?
Ang sagot ay ang
pagpapalakas ng wikang pambansa. Ang wikang iyan ay
hindi maaaring maging Ingles. Iyan ay isang kaso ng,
sabi nga sa Ingles, the “tail wagging the dog.” Hindi
maaaring ipagpag ng buntot ang aso. Ang pambansang wika
ay maaari lamang maging Filipino.
Ang maling akala, o
fallacy, ay ang paniniwalang kapag gustgo mong palakasin
ang Filipino ay gusto mong pahinain ang Ingles. Hindi
totoo iyan. Gusto nating palakasin ang Filipino, pero
gusto rin nating palakasin ang Ingles—bilang pangalawang
lengguwahe, o second language. Ang mahalaga ay ang
katagang “pangalawa” or “second.” Hindi maaaring maging
una ang Ingles.
Makikita natin sa halimbawa
ng Thailand at iba pang mga bansag Asyano na hindi
lamang ito posible kundi kailangan, Ayon sa mga
nagtataguyod ng Philippines 2000, ang mga bansang ito sa
kasalukuyan ay puspusang nagpapalaganap ng Ingles: bakit
tayo pupunta sa kabilang direksiyon? Simple. Dahil sa
kung ang mga bansang ito ay kasalukuyang nagpapalaganap
ng Ingles, ito ay dahil sa mayroon na silang sarili
nilang wika—Thai, Bahasa, Intsik, Hapon, Koreano.
Bagama’t puspusan nilang itinutulak ang pag-aaral ng
Ingles, wala sa mga bansang ito ang magpupumilit na
palitan ang sariling wika ng Ingles.
Kung bumisita ka sa ibang
bansang Asyano, o Arab, ang unang maiisip mo ay kung
gaano tayo kaiba sa kanila. Hindi tayo ang rule, tayo
ang exception. Ang mga higanteng diyaryo sa mga bansang
ito ay nasa wikang pambansa. Iilan lamang ang nasa
Ingles, at ito ay nakatutok sa mga banyaga. Hindi
aksidente na mas marami ang mambabasa ng mga diyaryong
Thai, Arab, Bahasa. Natural na gustong basahin ng mga
tao ang naiintindihan nila.
Maaaring ang mga bansang
ito ay puspusang nagtuturo ng Ingles, pero matapos
lamang silang magkaroon ng isang matatag at malusog na
wikang pambansa, isang wikang pinagmulan ng national
discourse, o usapang pambansa, isang wikang pinagmumulan
ng kanilang puri at karangalan. Ganito nila nagagamit
ang Ingles habang naiiwasan ang alienating effects nito.
May kaibhan sa paghango at
pagpapalit, may kaibhan sa paghiram at sa pagkopya. “God
bless the child that’s got his own,” ayon nga sa isang
kanta. Totoo iyan hindi lang para sa mga indibidwal
kundi para rin sa mga bansa. Ang ibang bansa ay mayroong
pinanghahawakan, tayo ay wala. Sila ay humahango at
humihiram, tayo ay nagpapalit at kumokopya. At tingin
natin sa sarili natin ay cosmopolitan tayo. Hindi ito
pagiging cosmopolitan, ito ay simpleng pagiging
uprooted.
Bakit hindi Filipino
Engllish bilang wikang pambansa? At ano naman ang gamit
sa atin ng Ingles na tayo lamang ang nakakaintindi. At
kung tutuusin, ano naman ang naging ambag ng Filipino
English—ang mga salitang “aggrupation” at “actuation”?
Walang ganyang mga salita sa Ingles. Ang mga salita doon
ay “group” at “action.”
Ang Filipino ba ay mayamang
wika? Kaya ba nito ang seryosong diskusyon? Makikita
natin sa mga talk show sa TV—salamat sa pinasimulan ng
Public Forum—na ganito na nga. Sayang lamang at hindi pa
ito nagyayari sa diyaryo. Ang Filipino ay lengguwahe
lamang ng mga tabloids at hindi broadsheets.
Kung tutuusin, ano ba naman
ang likas na mahusay na wika? Bago dumating si Goethe,
mahusay lamang ang Aleman para sa barbarians. Bago
dumating si Pushkin, ang Russian ay mahusay lamang para
sa pag-toast ng vodka. At bago dumating si Shakespeare,
ang Ingles ay mahusay lamang sa isang sakop. Ang husay
ng lengguwahe ay nasa mga taong gumagamit nito.
Ang paborito ko pa ring
kuwento rito ay ang isang direktor ng teatro na minsan
ay tinanong ng isang estudyanteng pa-wers-wers: “Talaga
bang epektibo ang Filipino sa teatro?” Sumagot ang
direktor, “Putang ina mo.” Namutla ang estudyante at
dali-daling umalis.
“Tingnan n’yo,” sabi ng
direktor sa kanyang crew, “epektibo ang Filipino sa
teatro.”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)